Pambayad sa 1 milyong doses ng Sinovac vaccines, uutangin sa World Bank – Pangulong Duterte

Inaasahang darating sa bansa ang unang batch ng mga bakunang nabili ng pamahalaan.

Sa kanyang Talk to the People Address, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na uutang ang gobyerno sa World Bank para mabayaran ang isang milyong doses ng Sinovac vaccines.

Umaasa ang Pangulo na darating ang mga bakuna ngayong buwan.


Muling iginiit ng Pangulo na ang mga bakunang unang dumating sa bansa partikular ang Sinovac vaccines at AstraZeneca ay donasyon mula sa China at COVAX Facility ng World Health Organization (WHO).

Magugunitang nasa ₱82.5 billion ang inilaang pondo ng gobyerno para sa pagbili ng coronavirus vaccines, logistics at iba pang medical supplies.

Facebook Comments