Amerika – Positibo ang Amerika sa naging pagpupulong ng matataas na opisyal ng South Korea kay North Korean Leader Kim Jong-Un.
Ayon kay Pentagon Spokesman Col. Robert Manning, kanilang ikinatuwa ang nasabing hakbang lalo na’t isinusulong ng U.S ang pakikipag-diyalogo sa dalawang bansa.
Pero tiniyak ni Manning na ang pangunahing tungkulin pa rin nila ay suportahan at ipagtanggol ang South Korea na kanilang kaalyadong bansa.
Nabatid na sa pambihirang pagkakataon, mismong ang NoKor leader ang nag-imbita sa 10-member delegation sa pamumuno ni Chung Eui-Yong, na top national security adviser ni south Korean President Moon Jae-In sa headquarters ng ruling workers’ party.
Dito, nagkaroon umano ng ‘satisfactory agreement’ at tinanggap din ni kim ang liham mula kay moon na bitbit ng delegasyon at kabilang sa napagkasunduan ay ang bawasan ang military tensions at sa halip ay dagdagan ang mga dayalogo.