Pambubulabog ng isang civilian aircraft sa Balikatan exercise sa Zambales, iniimbestigahan na ng CAAP

Nakikipag-ugnayan na ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa Balikatan management kaugnay ng sinasabing interruption sa Balikatan 2023 exercise sa Zambales ng isang civilian aircraft.

Ayon sa CAAP, ina-identify na nila ang nasabing eroplano na lumipad sa no-fly zone kung saan ginagawa ang Balikatan military exercise sa pagitan ng mga sundalong Pilipino at Amerikano.

Nilinaw ng CAAP na umiiral pa rin ang airspace restrictions sa lugar sa pamamagitan ng NOTAM o Notice to Airmen.


Sa pamamagitan aniya nito, bago lumipad ang mga piloto ay dumadaan muna sa Air Traffic Service (ATS) ang kanilang flight plans at inaabisuhan sila gayundin ang aircraft operators sa mga idineklarang no-fly zones.

Facebook Comments