Pamemeke ng COVID-19 test results, mapapalala lang problema sa pandemya ayon sa DOH

Umapela ang Department of Health (DOH) sa publiko na huwag pekein ang COVID-19 test results dahil mas mapapalala lamang nito ang problema sa pandemya.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mas hinihikayat lamang nito na maikalat ang sakit.

Iginiit ni Vergeire na dapat paigtingin ng mga lokal na pamahalaan at iba pang institusyon ang paglalabas ng rapid test results.


Pagtitiyak ni Vergeire sa publiko na secured ang paglalabas ng Reverse Transcription – Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test results.

Una nang nagbabala si Testing Czar Vince Dizon sa publiko laban sa pamemeke ng COVID-19 test results.

Facebook Comments