Pamemeke sa birth certificate at passport ng mga dayuhan, pinapa-imbestigahan sa Kamara

Ang hirit na imbestigasyon ay nakapaloob sa House Resolution 1802 kung saan binigyang-diin ni Adiong ang kahalagahan na mapanatili ang integridad ng ating identification systems at matiyak ang pambansang seguridad.

Ang hakbang ni Adiong ay kasunod din nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Public Accounts na nakakabili ang mga dayuhan ng lupain gamit ang mga pekeng dokumento mula sa mga local civil registrars.

Binanggit din ni Adiong ang lumabas sa pagdinig ng Senado noong November 17, 2023 na umaabot sa 308 ang gumamit ng mga pekeng birth certificates sa passport applications.


Tinukoy din ni Adiong ang ulat ng National Bureau of Investigation (NBI) na nitong July 11, 2024 ay halos 200 na kahina-hinalang birth certificates ang ibinigay ng civil registry sa Sta. Cruz, Davao del Sur sa mga dayuhan na karamihan ay Chinese nationals.

Umabot pa aniya sa 1000 ang mga nakuhang pekeng birth certificates mula sa naturang tanggapan.

Facebook Comments