Pamemeste ng Fall Armyworm sa mga Palayan, Naobserbahan ng DA Region 2

Cauayan City, Isabela-Nagpaalala ang Department of Agriculture (DA) Regional Field Office No. 02 sa mga magsasaka kaugnay sa infestation ng ‘Fall Army Worm’ o FAW matapos itong maobserbahan sa ilang palayan sa Barangay Pateng, Gonzaga, Cagayan.

Ayon kay Manager Minda Flor Aquino ng DA-Regional Crop Pests Management Center (RCPMC), ang apektadong palay ay nasa ‘seedbed stage’ o punla pa lamang.

Dagdag pa nito na lumalabas sa kanilang pag-aaral na ang FAW ay nakakaapekto sa mga publa dahil sa nakitang katangian nito.


Pagtitiyak ng DA-RCPMC ang pagbibigay ng technical briefing upang makontrol ang posibleng paglawak ng kaso dulot ng pamemeste ng FAW katuwang ang lokal na pamahalaan ng Gonzaga sa pangunguna ni Municipal Agriculturist Ferdinand Baclig.

Nagbigay ang tanggapan ng insecticides bilang remedial measure maliban sa deployment ng DA technical staff para sa regular na monitoring hindi lang sa lugar kundi sa mga malalapit.

Para mapigilan ang FAW sa mga punla, iminumungkahi ni Aquino ang paglalagay ng bio-control agents tulad ng metarhizium, pagmantine ng tubig, manwal na pag-alis ng larva o itlog sa mga punla bago itanim at pag-spray ng mga rekomendadong pestisidyo sa bandang umaga o hapon.

Samantala, upang magkaroon ng malawakang information dissemination sa FAW, magsasagawa ng virtual meeting ang DA RFO 02 sa mga Municipal Agriculturists sa buong lambak ng Cagayan upang talakayin kung paano mapigilan at makontrol ito lalo na at simula na naman ang mga magsasaka sa pagtatanim.

Facebook Comments