Tuesday, March 31, 2026

Pami-pamilyang balikbayan na humahabol sa Semana Santa, sunud-sunod ang dating sa NAIA 1 Arrival Area

Dagsa rin sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 Arrival Area ang mga balikbayang Pilipino mula sa iba’t ibang bansa para humabol sa Semana Santa.

Ilan sa mga balikbayan na dumating sa bansa ay taun-taon nang umuuwi sa Pilipinas para sa Mahal na Araw.

Anila, sasamantalahin na rin nila ang family reunion ngayong Holy Week.

Marami ring dayuhang turista mula sa Europe ang dumadagsa ngayon sa NAIA Terminal 1, partikular ang mga mula sa Canada.

Pami-pamilya ring European tourists ang sunud-sunod na dumarating sa paliparan at naghihintay ng kanilang connecting flight patungo sa tourist destinations sa Pilipinas.

Facebook Comments