PAMILIHANG BAYAN NG MAPANDAN, NILINIS

Isinusulong ang kampanya para sa kalinisan at kalusugan ng bawat mamimili at mga nagtitinda sa paglilinis ng pampublikong pamilihan sa Mapandan.

Layunin ng operasyon na mapanatiling malinis at ligtas ang buong paligid upang maiwasan ang pagdami ng mikrobyo at pagkalat ng mga sakit.

Mahalagang mapanatili ang kalinisan ng pamilihan dahil dito nagmumula ang pang-araw-araw na pagkain at pangangailangan ng mga mamamayan.

Ang ganitong mga inisyatibo ay patunay umano ng malasakit sa kapakanan ng mamamayan bilang hakbang sa pangangalaga sa kalusugan.

Facebook Comments