Pamilya Aquino hindi sumipot sa pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni dating Sen. Ninoy Aquino

Manila, Philippines – Inisnab at hindi nagpakita sa simpleng seremonya sa pagbibigay pugay at pag-aalay ng bulaklak ang mga pamilya Aquino sa bantayog ni dating Senador Benigno Ninoy Aquino Jr. sa kanto ng Timog at Quezon Avenue.

Pero pinangunahan naman nina QC Mayor Herbert Bautista at Vice Mayor Joy Belmonte ang pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni dating Senador Benigno Ninoy Aquino Jr. sa kanto ng Timog at Quezon Avenue kaninang umaga.

Ayon kay QC Mayor Herbert Hautista, binibigyang halaga ng QC Govt. ang paggunita ng ika 34 na taong Anibersaryo ng kamatayan ni Ninoy dahil sa pamamagitan niya napagbuklod nito ang sambayanan at nagkaisa para labanan ang diktadorya hanggang maibalik ang demokrasya sa bansa.


Kaugnay nito ,inalerto na rin ng Quezon City Police District ang pulisya dahil sa impormasyon na maglulunsad ng kilos protesta ang ilang grupo sa People Power Monument sa EDSA QC upang gunitain din ang araw ng kamatayan ng dating senador.

Facebook Comments