Pamilya Aquino, nagpapasalamat sa mga nagmamahal kay PNoy

Bumuhos ang pagmamahal at pakikiramay mula sa mga kaibigan at mahal sa buhay para kay dating Pangulong Noynoy Aquino kagabi sa pamamagitan ng mga testimonya at awit.

Kabilang sa mga nagbigay ng eulogies ay ang mga dating miyembro ng gabinete na sina former secretaries Paquito Ochoa, Julia Abad, Brother Armin Luistro, Dinky Soliman, Joel Rocamora, Edwin Lacierda, Rene Almendras, at Mar Roxas.

Nag-alay rin ng awitin ang sina Jaya at Moira.


Ayon kay Ballsy Aquino-Cruz, nagpapasalamat sila sa lahat ng mga nagpakita ng pagmamahal sa kanilang kapatid.

Pinasalamatan naman ni Kris Aquino ang Ateneo de Manila University at ang Jesuits.

Humingi naman ng paumanhin si Kris sa mga kababayan nila sa Tarlac dahil hindi na nila maidadala ang mga labi ng dating pangulo sa kanilang home province.

Facebook Comments