Manila, Philippines – Walang nangyaring pag-uusap sa pagitan ng mga magulang ni hazing victim Horacio Castillo III at ng isa sa mga suspek na si John Paul Solano.
Tahimik lamang na dumalo sa pagsasampa ng kaso sa Department of Justice ang mga magulang ni Atio na sina Horacio II at Carminia.
Si Solano ay una nang sumuko kay Senador Panfilo Lacson noong Biyernes.
Si Solano ang sinasabing naghatid sa ospital kay Castillo matapos itong mapuruhan sa initiation rites ng Aegis Juris Fraternity.
Facebook Comments