Manila, Philippines – Hinamon ng pamilya Castillo ang pamunuan ng University of Santo Tomas na ilabas ang mga suspek sa pagkamatay ng kanilang anak na si Horacio Castillo III.
Ayon kay Carmina Castillo, ina ng 1st year law student – hindi nila kailangan ang prayer vigil ng UST para sa kanilang anak, ang gusto nila ay hustisya sa mga bumugbog rito.
Sinabi ni ginang Castillo na pinililit lang daw ng kanyang mga kaklase ang kanyang anak na sumali sa Aegis Juris fraternity.
Aniya, pinayagan niya ito dahil miyembro rin daw ng nasabing frat si UST Civil Law Dean Nilo Divina.
Sabado nang magpaalam ang 22-anyos na biktima sa kanyang magulang na pumunta sa welcome party ng Aegis Juris fraternity pero linggo ng madaling araw ng matagpuang siyang patay sa bangketa sa Balut, Tondo, Maynila na puno ng pasa, paso ng sigarilyo at patak ng kandila ang katawan.