Pamilya Castillo, pag-aaralan pa ang posibleng pagsasampa ng kaso sa UST

Naging emosyonal ang pamilya ng nasawing hazing victim na si Horacio “Atio” Castillo III matapos ang inilabas na hatol ng korte laban sa sampung frat members na nasa likod ng pagkamatay ng UST Law freshman.

Sa Kapihan sa Manila Prince Hotel, sinabi ng ina ni Atio na si Carmina na nabunutan sila ng tinik nang malaman ang hatol na guilty beyond reasonable doubt laban sa sampung miyembro ng Aegis Juris Fraternity na sangkot sa pagkasawi ng anak.

Sinagot din ng ina ni Castillo ang pahayag ni UST Faculty of Law Dean Nilo Divina nang sabihin nitong hindi nabigo ang unibersidad sa pagprotekta sa mga estudyante kabilang na ang kanilang estudyanteng si Atio.


Samantala, pagdating sa posibilidad na magkaso sa pamunuan ng UST, sinabi ni Castillo na pag-uusapan pa lamang nila ito sa ngayon.

Facebook Comments