Pamilya Castillo, tutol na gawing testigo sa pagpatay kay Atio si JP Solano

Manila, Philippines – Mariing tinututulan ng mga magulang ng UST Law freshman student na si Horacio “Atio” Castillo ang mungkahi ng pamunuan ng Manila Police District na gawing testigo sa brutal na pagpatay ng kanyang anak ang isa sa lumutang na suspek na si John Paul Solano.

Ayon kay Ginang Carminia Castillo, bagamat maituturing na welcome development ang ginawang pagsuko ni Solano nais parin nitong malaman ang buong detalye nang maganap ang hazing na naging dahilan ng pagkamatay ng kanyang anak.

Matatandaang sinabi ni MPD District Director PSSupt. Joel Coronel na posibleng maging testigo sa krimen si Solano na magdedepende naman sa partisipasyon nito sa nasabing initiation rites.


Kasunod nito umaasa ang pamilya Castillo na sa ginawang pagsuko ni Solano ay matutukoy na kung sino-sino ang mga sangkot sa pagpatay kay Atio nang gayon ay makamit nila ang minimithing hustisya

Facebook Comments