Pamilya Duterte, malinaw na may malaking plano sa pambansang pulitika – pol expert

Malinaw na may malaking plano ang pamilya Duterte sa pambansang pulitika.

Ito ang iginiit ng isang political expert kasunod ng anunsyo ni Vice President Sara Duterte na tatakbong senador sa 2025 midterm elections ang kanyang ama at dalawang kapatid.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni University of the Philippines political science professor Jean Franco na mensahe rin ito ng pagkontra ng mga Duterte kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.


Hindi rin aniya malabong bumalik sa mga Duterte ang mga kaalyado ngayon ni Pangulong Marcos sakaling manalo ito sa Senado.

“It’s either may kinatatakutan at may iniisip pa rin silang gagawin within the coming years. Mensahe ‘yan actually sa presidente kaysa sa taumbayan.”

“Syempre maaapektuhan ‘yung mga plano nila, kasi kung popular itong mag-ama pa na’to, itong Duterte eh di ‘yung mga kaalyado nilang tatakbo sa Senado magiging tagilid.”

Kaugnay nito, malaki rin aniya ang tyansa na punuin ng magkakapamilya ang Senado lalo na’t inaayon pa rin sa popularidad ang pagboto ng mga senador sa bansa.

“Ang mangyayari sa Senado, magiging ang mga miyembro niyan mga pami-pamilya. Kasi nandiyan ang mga Villar, nandiyan ang Duterte, Cayetano, so pami-pamilya, sinasalamin niya kung ano ‘yung estado ng pulitika sa buong bansa.”

Facebook Comments