MANILA – Sa kabila ng pagkampi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga miyembro ng CIDG-8 na nakapatay kay albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa….kumpiyansa pa rin ang pamilya Espinosa na mapananagot ang mga ito.Sinabi ni Atty. Leilani Villarino, abogado ni Kerwin Espinosa – umaasa silang murder ang maisasampa laban sa grupo ni Supt. Marvin Marcos lalo na’t pinanghahawakan nila ang pahayag ng pangulo na hindi ito makiki-alam sa imbestigasyon.Magugunitang hindi kumbinsido si Pangulong Duterte sa imbestigasyon ng nbi, “rubout” o murder ang ginawa ng grupo ni Marcos sa pagpatay kay Mayor Espinosa na ikinubli umano sa pagsisilbi ng search warrant habang nakakulong sa Leyte sub-provincial Jail.Bagama’t hindi makikialam sa trabaho ng NBI na nasa ilalim din ng kanyang superbisyon, mas pinaniniwalaan ng pangulo ang bersyon ng PNP-CIDG na sa tingin niya ay sumusunod sa kanyang kautusang tugisin ang mga sangkot sa iligal na droga.Nilinaw naman ni PNP Chief. Dir. Gen. Ronald Dela Rosa, na susundin pa rin ni Pangulong Duterte ang batas ukol sa paglilitis sa mga pulis na sangkot sa Espinosa killings.Sa ngayon ay bumuo na ang Dept. of Justice ng 5-man team o panel of prosecutors na tututok sa kaso ng pinaslang na alkalde.
Pamilya Espinosa , Umaasang Makakasuhan Ng Murder Ang Grupo Ni Supt. Marvin Marcos Sa Kabila Ng Pagkampi Ni Pangulong Du
Facebook Comments