Pamilya Felipe, Itinangging sangkot sa Iligal na Droga ang kanilang kaanak!

382

Cauayan City, Isabela- Itinanggi ng pamilya ng napatay na miyembro ng Public Order and Safety Division ang pagkakasangkot ng kanilang kaanak sa nangyaring drug buy-bust operation na nagresulta sa pagkamatay ni POSD Member Michael Angelo Felipe alyas “Butch” at isa pang kasama nito na si Eduardo Barroga.

Kasunod ito ng nangyaring operasyon ng mga operatiba sa Brgy. Bacareno, Cauayan City, Isabela kung saan dalawang hinihinalang tulak ng droga ang napatay sa engkwentro ng PNP Cauayan sa nasabing lugar dahil sa bentahan ng iligal na droga.


Sa eksklusibong panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay alyas “Boy”, ama ng biktima, itinanggi nito na sangkot ang kanyang anak sa iligal na droga kung kaya’t nagulat na lamang ito sa balitang patay na ang kanyang anak sa engkwentro ng pulisya kagabi.

Inilarawan pa ng ama ng napatay na si Butch na isang mabuting anak at hindi gagawa ng kahit anong iligal na gawain.

Samantala, itinanggi rin ni Ginang Beverly Barroga, asawa ng isa sa mga napatay sa engkwentro na nagtutulak ng droga ang kanyang asawa at pag aamin nito na asset umano ng kapulisan ang kanyang mister.

Hustisya naman ang hiling ng bawat pamilya ni Butch at Barroga lalo pa’t naulila ni Butch Felipe ang kanyang limang anak at kanyang misis.



Facebook Comments