Pamilya Hernandez, Patuloy ang sigaw ng hustisya sa Pagpatay kay dating BM Nap Hernandez!

386

San Mateo, Isabela- Patuloy pa rin ang pagkamit ng hustisya ng Pamilya Hernandez sa pagpatay sa kanilang padre de pamilya noong Hulyo 1, 2019 sa Brgy. Dagupan, San Mateo, Isabela.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginang Placida Hernandez,maybahay ni dating BM Nap Hernandez, pag aamin nito na isandaang porsiyento nitong kilala ang nasa likod ng karumal-dumal na pamamaslang sa kanyang asawa


Dagdag pa ni Ginang Hernandez,pulitika ang rason sa pagpatay sa kanyang asawa kung saan nagsilbi rin itong Campaign Manager ni Retired Col. Gregorio Pua na Municipal Mayor ngayon ng San Mateo, Isabela.

Isang dahilan aniya kung bakit pinatay ang kanyang asawa ay may kinalaman ito sa pagtatalaga sa kanya bilang Municipal Administrator sa nasabing bayan

Inilarawan pa ng ginang na malaking kawalan ang agad na pagpanaw ng kanyang asawa dahil isa itong matulungin at mabuting ama hindi lamang sa kanyang pamilya maging sa taumbayan.

Patuloy naman ang pagdadasal ng kanyang pamilya na sana ay mahuli na ang nasa likod ng pamamaslang sa kanilang padre de pamilya bago pa man ang nakatakdang araw ng kanyang libing




Nagpapasalamat naman si Ginang Hernandez sa lahat ng patuloy na nakikiramay sa kanilang pamilya

Facebook Comments