Ikinalugod ng pamilya ng pinaslang na mamamahayag na si Percy Lapid ang pagbasura ng Department of Justice (DOJ) sa mosyon ni suspended Bureau of Corrections (BuCor) Chief Gerald Bantag na ma-inhibit ang DOJ sa kaniyang murder complaints.
Ayon sa kapatid ni Lapid na si Roy Mabasa, pinakamabuting harapin na lamang ni Bantag at dating deputy security officer Ricardo Zulueta ang mga akusasyon laban sa kanila.
Kung kaya aniya silang humaharap sa media dapat ay may katapangan din silang harapin ang mga reklamo at tigilan ang pagrarason para maantala ang proseso.
Samantala, sinabi naman ni DOJ Spokesperson Mico Clavano na may hurisdiksyon ang DOJ sa kaso, batay sa desisyon.
May Memorandum of Agreement (MOA) din ang DOJ at Office of the Ombudsman na kung ang krimen ay isang normal crime at ang krimen ay hindi kasama sa hurisdiksyon ay may hurisdiksyon dito ang DOJ.