Pamilya Mabasa, walang balak na kausapin ang middleman sa Percy Lapid slay bago tumestigo sa korte

Walang balak ang pamilya Mabasa na kausapin ang middleman sa Percy Lapid slay case na si Christopher Bacoto.

Ito ang inihayag ni journalist Roy Mabasa matapos pumayag nang tumestigo hinggil sa kaso ng pagpatay sa kanyang kapatid si Bacoto.

Ayon kay Mabasa, ang nais niya lamang ay magsabi ng katotohanan at ng lahat ng kanyang nalalaman sa krimen si Bacoto.


Una nang kinumpirma ni Mabasa na tumawag mismo sa kanya ang isang prosecutor mula sa Department of Justice (DOJ) para ipagbigay-alam sa kanya ang desisyon ni Bacoto na tumestigo sa kaso.

Si Bacoto ang sinasabing kumausap sa gunman na pumatay kay Ka Percy.

Nakakulong ngayon si Bacoto dahil sa kasong drug trafficking.

Facebook Comments