Pamilya Mangudadatu bumisita sa balwarte ng mga Ampatuan

17

Dinagsa ng libo libong mga residente at mga bisita ang culminating activity ng ika 55th Founding Anniversary ng bayan Shariif Aguak sa Maguindanao.

Tema ng okasyon ay “ From Adversity We Rise, Onward tor Porgress.

Pinangunahan mismo ng mag- amang opisyales ng bayan na sina Mayor Engr. Marop Ampatuan at Vice Mayor Akmad Ampatuan ang aktibidad.

Bisita naman sa aktibidad na isinagawa sa Municipal Gym si 6th Id Commanding General Cirilito Sobejana kasama ang iba pang opisyales ng military at PNP.

Dumalo rin anibersaryo ang magkakapatid na Mangudadatu sa pangunguna ni Governor Toto, Congressman Dong, Assemblyman Toy, LMP President Mayor Ogie, Board Member King at former Buluan Mayor Jong.
Ang Shariff Aguak ay kilalang balwarte ng pamilya Ampatuan sa Maguindanao.

Facebook Comments