Manila, Philippines – Handa raw ibalik ng pamilya Marcos sa gobyerno ang ilan sa kanilang mga yaman.
Ito ang sinabi ng pangulo sa kanyang talumpati sa oath taking ng mga bagong appointee ng gobyerno sa Malacañang.
Gayunman, tumanggi siyang pangalanan kung sino ang nakausap niya tungkol dito.
Bukod sa Presidential Commission on Good Government, balak ni Pangulong Duterte na bumuo ng isang komisyon na siyang makikipag-usap sa pamilya Marcos.
Nais niya na pamunuan ito ng isang dating Supreme Court Justice at isang certified public accountant.
Pero sabi ni dating first lady at ngayo’y Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos, wala siyang alam sa sinabi ng pangulo.
Kakausapin raw muna niya ang kanyang mga anak tungkol dito.
Facebook Comments