Pamilya Marcos, hiniling na magsalita na tungkol sa pagbabalik ng mga nakaw na yaman

Manila, Philippines – Hinihingan ngayon ni Albay Rep. Edcel Lagman ang pamilyang Marcos ng kategorikal na pahayag na isasauli na ng mga ito ang nakaw na yaman.

Ayon kay Lagman, dapat lamang na maglabas ng kumpirmasyon ang mga Marcos para maging malinaw ito sa publiko.

Kailangang maglabas ng confirmatory statement ang mahahalagang detalye sa pagbabalik ng sinasabing nakaw na yaman ng mga ito.


Kabilang dito ang pagtukoy ng mga item na ibabalik sa gobyerno, at mga indibidwal o parties na may possession o humahawak ngayon ng hidden wealth ng Marcoses.

Ipinalalahad din ang kinaroroonan ng bawat halagang ibabalik sa pamahalaan, kung magkano ang kabuuang halaga na ibabalik at kung kailan ito maisasakatuparan.

Sinabi pa ni Lagman na kailangang linawin din agad ng pamilya Marcos kung ano ang kundisyon ng mga ito kapalit ng pag-turn over ng sinasabing mga nakaw na yaman.

Facebook Comments