Pamilya Marcos sasagutin ang pagpapagamot sa mga biktima sa umanoy food poisoning sa selebrayon ng kaarawan ni dating 1st Lady Imelda

Patuloy parin ang isinasagawang gamutan sa mga biktima ng umanoy foodpoisoning kasabay ng pagdiriwang ng 90th Birthday ni dating 1st Lady Imelda Marcos.

Sa ngayon  nadadagdgan pa ang  241 na biktima na  dinadala sa mga hospital matapos mahilo, mag suka at yung iba ay  hinimalatay pa.

Ayon sa isa sa organizer na ng event na si Sol Bayang, pinapunta siya ni dating Senador Bong Bong Marcos sa Rizal Medical Center para alamin ang lagay ng mga pasyente.


Sasagutin  aniya  ng pamilya Marcos ang gastusin sa hospital ng mga biktima.

Kwento ng isa sa pasyente  dumating sila sa Pasig City alas 3 ng madaling araw.

Pagsapit ng alas otso ng umaga may ipinamahagi na adobo  manok na may itlog at agad niya itong kinain.

Dahil sa gutom, tuloy lamang siya sa pagkain kahit iba na ang lasa ng adobo.

Sa pagbisita ni DOH Secretary Francisco Duque sa hospital sinabi nito na  posibleng itlog ang dahilan ng pagsakit ng tyan pagsusuka at pagkahilo ng mga bisita.

Hindi tamang preperasyon ang  dahilan kayat nagkaroon  ng bacteria ang pagkain.

Samantala sa official statement ni dating Senador Bong Bong Marcos  tiniyak ng kanilang pamilya na aasikasuhin nila ang lahat ng biktima hanggang  sila ay gumaling.

Facebook Comments