Pamilya na Mabibigyan ng SAC Form, Hindi Otomatikong Tatanggap ng Tulong Pinansyal!

215

Cauayan City, Isabela- Iginiit ni Ginoong Paul Bacungan, Public Information Officer ng City of Ilagan na hindi otomatikong mabibigyan ng financial assistance mula sa Social Amelioration Program sakaling nabigyan ng Social Amelioration Card Form.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginoong Paul Bacungan, inaayos na lamang ang pag imprinta ng SAC form at kung handa na ay ibibigay at ipapapirma na ito sa mga target households.


Ayon kay Ginoong Bacungan, mula sa 57 libong pamilya sa Lungsod ay 24 libo lamang ang mabibigyan ng form na ia-assess ng tanggapan ng CSWD at ibeberipika rin ng DSWD.

Hiniling sa mga Ilagueño na hintayin lamang ang pamimigay ng SAC Forms ng mga kawani ng CSWD at ng mga Brgy. Officials.

Nilinaw din nito na hindi ang mga brgy officials ang mag-aapruba kung sino ang mabibigyan ng tulong kundi tanging sa DSWD lamang nakasalalay kung sino ang mga karapat-dapat na benepisyaryo.

Facebook Comments