PAMILYA, NASAWI SA AKSIDENTE SA INFANTA, PANGASINAN

Kalunos-lunos ang sinapit ng isang pamilya matapos masangkot ang mga ito sa aksidente sa kahabaan ng brgy. Bayambang, infanta, pangasinan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng awtoridad, sakay ng isang kulong-kulong ang pamilya – ang tatay, kasama ang asawa nito at dalawa nilang anak habang binabagtas ang nasabing kakalsadahan, nang aksidente umano nitong nasagi ang sanga ng puno sa gilid ng kalsada.

Nawalan ng kontrol ang driver, at sa kasamaang palad ay bumangga ito sa kasalubong nitong sasakyan.

Nagtamo ng matinding sugat sa katawan ang mga sakay ng tricycle, at agad na isinugod sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival ng doktor.

Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments