Pamilya Ng 15 Namatay Sa Davao Blast, Bibigyan Ng Tulong-Pinansyal Ni Pangulong Rodrigo Duterte

12

DAVAO CITY – Bibigyan ng tig-P250,000 ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bawat pamilya ng 15 nasawi sa madugong Davao Night Market Blast noong September 2.Ito ang inanunsyo ng pangulo matapos nitong bisitahin ang mga naapektuhan ng naturang pagsabog sa Davao City.Bukod sa mga nasawi, makakatanggap din ng kahalintulad na halaga ang 11 biktima na malubhang nasugatan sa insidente.Tatanggap naman ng tig-P100, 000 ang 21 biktima na patuloy na ginagamot sa ospital bilang cash assistance.Matatandaang nasa 15 katao ang namatay at 70 ang nasaktan nang magpasabog ng IED ang hindi pa kinikilalang suspek sa Davao Night Market noong September 2.Karamihan sa mga biktima ay mga masahista at kanilang mga parukyano.Ang ilan naman ay namamasyal lang sa lugar nang maganap ang pagsabog.

Facebook Comments