Pamilya ng 2 NPA na Nasawi sa Engkwentro sa Isabela, Binigyan ng Tulong ng PNP

Cauayan City,Isabela- Nakatanggap ng tulong mula sa PNP Isabela ang pamilya ng dalawang miyembro ng New People’s Army na nasawi sa engkwentro sa San Mariano, Isabela kamakailan.

Bahagi ng pagbisita sa lugar ng 1st Isabela Police Mobile Force Company (PMFC) sa bahay ng mga rebeldeng namayapa upang makiramay sa naulilang pamilya at magbigay ng tulong pinansyal, mga pagkain at bigas.

Matatandaan na nitong Oktubre 29, 2021 ng masawi sa nangyaring engkwentro sina Davao Infiel, Squad Leader sa ilalim ng Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley (KR-CV); at Dessel Infiel na miyembro rin ng naturang grupo.


Nagpapatrolya noon ang 95th Infantry Battalion at Isabela PMFC sa Barangay Tappa, San Mariano nang mamataan ang mga miyembro ng NPA na bitbit ang mga matataas ng kalibre ng armas.

Pinaputukan umano ng mga rebelde ang paparating na pwersa ng pulis at militar na nauwi sa limang (5) minutong palitan ng putok at pagkasawi ng 2 NPA.

Dahil dito, narekober din ng mga awtoridad mula sa pinangyarihan ng encounter site ang dalawang (2) M16 rifle.

Nanawagan naman ang pamilya ng nasawi sa bakbakan sa mga dati nilang kasamahan na sumuko na habang may pagkakataon pa para makapagbagong buhay.

Facebook Comments