PAMILYA NG 3 BATANG NALUNOD SA TUMAUINI, INABUTAN NG TULONG

CAUAYAN CITY- Nagpaabot ng tulong ang kawani ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 02 sa mga pamilya ng nalunod na tatlong bata sa Tumauini, Isabela.

Matatandaang nalunod ang mga biktima noong ika-3 ng Disyembre sa bahagi ng Brgy. Annafunan, Tumauini, Isabela.

Kinilala ang mga biktima na sina Jhon Philip Pazzibugan, Lawrence Bacani, at Jerome Bacani na pawang mga estudyante ng Tumauini West Central School.


Ipinagkaloob ng ahensya ang P10,000 na tulong pinansyal sa bawat pamilya sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) Program.

Bukod dito, nakatanggap rin ang mga ito ng family food packs, family kits, at sleeping kits upang matugunan ang kanilang pangangailangan.

Facebook Comments