Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nakausap na nila ang pamilya ng 4 na Filipino crew na dinukot ng mga pirata sa Gulf of Guinea.
Sila ay kasama sa 15 na mga crew ng barko na binihag ng mga pirata sa nasabing lugar.
Tiniyak naman ng DFA na may mga nagaganap nang ugnayan para sa ligtas na paglaya ng mga binihag na crew.
Bukod sa 4 na Pinoy crew, kabilang din sa mga binihag ay Ukranian at Romanian crew.
Ang Maltese-flagged chemical tanker ay galing ng Northern Europe at lumalayag na ito sa bahagi ng karagatan ng Nigeria ng salakayin ng mga pirata.
Nagpapatrolya na na rin sa karagatan ang Nigerian Navy para sa pag-rescue sa mga dinukot na crew.
Facebook Comments