Pamilya ng anim na sundalong nasawi sa pakikipaglaban sa teroristang grupong Dawlah Islamiyah-Maute Group, pinabibigyan ni PBBM ng tulong

Iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na bigyan ng tulong-pinansyal ang pamilya ng anım na sundalong nasawi sa pakikipaglaban sa teroristang grupong Dawlah Islamiyah-Maute sa Lanao del Norte.

Ang naturang direktiba ni Pangulong Marcos ay inihayag ni House Speaker Martin Romualdez kasabay ng paglulunsad ng pinakamalaking Bagong Pilipinas Serbisyo Fair o BPSF na idinaos sa Sultan Kudarat.

Sa harap ng mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) in Sultan Kudarat ay sinabi ni Romualdez na base sa utos ni PBBM ay bibigyan ng cash assistance, educational at livelihood assistance ang pamilya at mga anak ng nabanggit na mga sundalo.


Diin ni Romualdez, ito ay bilang pasasalamat sa serbisyo at sakripisyo ng apat na sugatan at anim na nasawing mga bayaning sundalo na buong tapang at tapat na tumupad sa kanilang tungkulin na panatilihin ang ating pambansang seguridad at kapayapaan.

Facebook Comments