Pamilya ng Chinese nat’l na nagpositibo sa bagong uri ng coronavirus sa Hong Kong, lumipad patungong Pilipinas

Bumiyahe sa Pilipinas ang pamilya ng isang Chinese citizen na tinamaan ng bagong uri ng coronavirus.

Ito ang ulat ng South China Morning Post matapos maitala ang unang kaso ng novel coronavirus infection sa Hong Kong.

Ayon sa Hong Kong-based newspaper, ang Chinese national ay mula sa Wuhan, China at inilagay sa isolation sa West Kowloon dahil sa mataas na lagnat.


Pero ang apat nitong kasama, na hindi nakitaan ng sintomas ay pinayagang tumuloy sa kanilang biyahe.

Paglilinaw naman Hong Kong Health Department – ang 39-anyos na lalaki ay “preliminary positive,” pero hinihintay nila ang final test result na ilalabas ngayong araw.

Nanatili ang mga ito sa isang hotel sa Hong Kong – bago lumipad sa Pilipinas sakay ng Cebu Pacific flight 5J-111.

Facebook Comments