Pamilya ng Christine Dacera, iginiit na wala itong aneurysm

Iginiit ng ina ng flight attendant na si Christine Dacera na walang siyang history ng aneurysm.

Nabatid na isa ang aneurysm sa dahilan ng pagkamatay ng biktima.

Ayon kay Sharon Dacera, ina ni Christine na hindi niya papayagang magtrabaho ito bilang flight attendant kung mayroon itong problema sa kalusugan.


Naniniwala si Sharon na pinagplanuhan ang pagyayari at pinagsamantalahan ang kanyang anak.

Umapela rin siya kay Pangulong Rodrigo Duterte na tulungan sila na makamit ang hustisya.

Nanawagan din ang ina ng biktima sa mga kaibigan nito na magpakita na para patunayang hindi sila guilty.

Pinag-aaralan na ng kanilang kampo na magsampa ng reklamo laban sa pamunuan ng hotel dahil pinayagan nito ang nasa siyam hanggang 10 tao sa isang kwarto na para lamang sa isa hanggang dalawang tao.

Facebook Comments