Pamilya ng COVID-19 positive na OFW na tumakas sa quarantine facility ng PCG, naka-isolate na

Nasa isolation na ang mga kamag-anak ng Overseas Filipino Worker (OFW) na tumakas sa quarantine facility bago niya pa malaman na positibo siya sa COVID-19.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), isasalang na rin sa COVID-19 RT-PCR testing ang kaanak ng 49 years old na lalaking OFW mula sa Quezon City.

Patuloy naman na pinaghahanap ng mga otoridad ang pitong iba pang tumakas na OFWs.


Tiniyak naman ng Coast Guard na mahaharap sa kaukulang kaso ang mga naturang OFW oras na gumaling ito.

Dinala na ang naturang COVID-19 positive OFW sa treatment facility sa isang hotel sa Pasay City para magamot.

Sinimulan ng naturang OFW ang kanyang mandatory quarantine noong May 11, 2020 pero tumakas noong May 15, 2020.

Facebook Comments