
Tiniyak ng Philippine Red Cross na mabibigyan ng tulong ang pamilya ng dalawang indibidwal na nasawi sa landslide o pagguho ng lupa sa Barangay Bariis, Matnog Sorsogon dulot ng pananalasa ng Bagyong Ada.
Agad na nagdeploy ng Welfare Team ang PRC sa lugar na nagsagawa ng post-incident assessment sa mga apektadong pamilya.
Nasawi sa landslide ang 19 anyos na babae at 22 anyos na lalaki ng matabunan ng lupa at bato ang kanilang bahay.
Natutulog ang mag anak sa kasagsagan ng ulan ng maganap ang trahedya.
Halos limang oras ang lumipas bago narekober ng rescue team ang mga labi ng dalawang residente.
Tiniyak naman ng Red Cross ang kanilang tulong sa naiwang pamilya.
Facebook Comments










