Pamilya ng drug war victims na nakahimlay sa La Loma Cemetery, patuloy na nananawagan ng hustisya

Nag-alay ng bulaklak at nagtirik ng kandila ang ilang mga residente sa Dambana ng Paghilom sa loob ng La Loma Cemetery sa Caloocan City.

Sa libingang ito nakahimlay ang karamihan sa mga biktima ng Oplan Tokhang ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, maging si Kian delos Santos na nailipat na sa Manila North Cemetery.

Dito rin sa sementeryong ito ay nakilala ang Silingan Families na binubuo ng pamilya ng mga biktimang nakahimlay sa Dambana ng Katarungan.


Sinabi ni alyas “Grace”, isa sa pamilya ng drug war victim, na tuwing Undas aniya ay nasa La Lola Cemetery sila para magtinda ng kape, pagkain, at custom-made na kandila para sa iba pang drug war victims.

Binuo rin nila ang Silingan Families na para manawagan ng katarungan.

Hanggang sa ngayon ay patuloy pa ring humihingi ng hustisya ang pamilya ng biktima ng drug war na nakahimlay dito.

Malaking tulong din para sa kanila ang ginagawang imbestigasyon sa Senado at Quad Comm ng kamara kaugnay sa Oplan Tokhang.

Facebook Comments