Tinutunton na rin ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pamilya sa Pilipinas ng iba pang Filipino seafarers na nakaligtas sa missile attack ng Houthi rebels sa Yemen.
Ito ay bukod sa ginawang pakikipagkita ng DMW sa pamilya ng dalawang Pinoy crew members na nasawi sa pag-atake.
Ayon sa DMW, nakikipag-ugnayan na rin sila sa Department of Foreign Affairs (DFA) at sa Migrant Workers Office (MWO) sa Middle East para personal na makausap ang mga nakaligtas na Pinoy crew.
Layon nito na mabatid ang physical at medical conditions ng mga crew at para mabigyan din sila ng kaukulang tulong.
Nabatid na sumabog at nasunog ang barko nang tamaan ng missile kaya nagmadaling mag-evacuate ang mga tripulante.
Facebook Comments