Pamilya ng isa sa pinatay na Person of Interest sa Bulacan massacre, natatakot na rin sa kanilang kaligtasan

205

Manila, Philippines – Balot ngayon sa takot ang pamilya Sorima matapos na pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang suspek sa loob mismo ng kanilang bahay, kahapon ang isa sa person of interest sa Bulacan massacre na si Roosebelt Sorima alyas ‘Ponga’.

Sa interview ng RMN, sinabi ni Rosario Sorima, ina ni Roosebelt – nato-trauma sila ngayon tuwing may dumadaan o humihintong sasakyan sa tapat ng kanilang bahay.

Problemado din ang pamilya Sorima ngayon kung paano ibuburol ang anak dahil maging ang kanilang mga kapag-anak ay ayaw nang tumulong sa kanila dahil sa takot na madamay.


Giit ni Rosario – walang kasalanan ang kanyang anak dahil tulog silang mag-anak ng mangyari ang krimen.

Nabatid si Roosebelt ay bayaw nang naarestong suspek na si Carmelino “Miling” Ibañez Sa pagmasaker sa limang miyembro ng pamilya sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Facebook Comments