Nagsagawa na ng contact tracing ang Taguig City Health Officials sa mga nakasalamuha ng limang residente ng Taguig na nagpositibo sa Covid 19
Ito ang kinumpirma ni Taguig City Mayor Lino Cayetano kasabay ng pamamahagi nito ng Covid kits sa mga senior citizen sa ilang barangay sa South Signal , Taguig City.
Ayon kay Cayetano, nasa isolation unit na sa hospital ang limang pasyente na ngayon ay sumailalim sa medical treatment.
Naka-home Quarantine narin aniya ang mga pamilya ng limang nagpositibo sa Covid 19 habang nagpapatuloy ang contact tracing sa mga ito
Umapela naman si Cayetano sa mga Residente ng Taguig na makipagtulungan at sumunod sa ipinatutupad ng Gobyerno na enhanced community Quarantine sa buong Luzon.
Tiniyak ni Cayetano na aayudahan nila ang mga pamilyang higit na nangangailangan at nawalan ng hanapbuhay sa Taguig dulot ng COVID-19 lockdown.