Pamilya ng mga Ampatuan na hinatulang gulity sa Maguindanao Massacre Case, naghain ng apela sa Court of Appeals

Naghain ng apela ang ilang miyembro ng pamilya ampatuan matapos hatulang guilty sa kaso ng Maguindanao Massacre.

Kabilang sa mga umapela sina dating Shariff Aguak Mayor Anwar Ampatuan Sr. at mga anak niyang si  Anwar Jr. at Anwar Sajid.

Giit nila, masyadong dumipende si Judge Jocelyn Solis-Reyes sa testimonya ng Suspect-Turned-Witness na si Sukarno Badal.


Hindi anila kapanipaniwalang naaalala ni Badal ang lahat ng nangyari sa mga pulong ng pagpaplano para patayin ang noo’y Governatorial Candidate at kasalukuyang Maguindanao Rep. Toto Mangudadatu.

Ang tatlong Ampatuan ay kabilang sa 28 akusadong hinatulan ng reclusion perpetua para sa 57-counts of murder.

December 19 nang ibaba ng Quezon City Regional Trial Court Branch 221 ang makasaysayang hatol.

Hanggang ngayong araw (Jan. 3) na lamang pwedeng umapela ang mga convict.

Facebook Comments