Tuesday, March 24, 2026

Pamilya ng mga batang nasawi dahil sa Dengvaxia, muling kinalampag ang DOJ

Muling kinalampag ng mga pamilya ng mga batang nasawi matapos maturukan ng Dengvaxia ang Department of Justice (DOJ).

Ito’y upang manawagan kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na huwag hadlangan ang inihain nilang kaso laban sa mga indibidwal na umano’y nasa likod nito.

Sa halip, hiniling nila na tulungan sila ng kalihim na makamit ang katarungan sa sinapit ng kani-kanilang mga anak.

Giit nila, ipaubaya na lamang sa hukuman ang usapin, kung saan maririnig ang bawat ebidensya at mabibigyan ng pagkakataong lumitaw ang katotohanan.

Naniniwala rin sila na makakamit ang hustisya sa isang malaya at patas na proseso.

Umaasa rin ang mga pamilya na ang kalihim mismo ang magiging daan upang mabigyang-linaw ang sinapit ng kanilang mga anak.

Facebook Comments