Sulu – Nanawagan ang pamilya ng mga construction worker na dinukot sa Patikul, Sulu noong Sabado sa mga kidnapper na pakawalan na lamang ang mga biktima dahil pawang mga mahirap lamang ito.
Ayon kay Perlita Ramos, tiyahin ng sa mga dinukot, walang kakayahan ang kanilang pamilya para tubusin ang kanyang pamangkin.
Kuwento ni aling Perlita, Sabado ng hapon nang tumawag sa kanila ang engineer na siyang nag-recruit sa mga ito para ipaalam ang pangyayari, at base umano sa impormasyon humihingi ng 2.5 milyong piso ang mga kidnaper kapalit ng kalayaan ng apat na biktima.
Matatandaang dinukot ng umano’y grupo ng Abu Sayyaf ang mga construction worker ng kampang elementary school sports complex sa barangay Bangkal, Patikul, Sulu, ala-1:00 ng madaling araw.
Kinilala ang mga biktima na sina Joel Adanza, Jung Guerero, Edmund Ramos, Jayson Ramos at Jenly Miranda pawang mga pintor .
Nakatakas naman ang isang larry velasquez, 25 taong gulang binata at tatlong buwan pa lamang nagtatrabaho sa nasabing lalawigan .
Subalit ng hapon nakatakas din sa kamay ng kanyang mga kidnapper si Jenly Miranda at sa ngayon ay nasa Sulu Provincial Hospital dahil sa mga sugat nito sa katawan.