Pamilya ng mga nasawi sa trahedya sa Resorts World Manila, makakatanggap ng isang milyong piso bilang financial assistance

Manila, Philippines – Inanunsyo ng Resorts World Manila na nagbigay ito ng tig-P1 million sa pamilya ng bawat biktima bunsod ng pang-aatake noong Biyernes.
Ayon kay Resorts World Manila Chief Operating Officer Stephen Reilly, umaasa umano sila na makakatulong ang kanilang ibinigay na financial assistance sa pamilya na nawalan ng mahal sa buhay.
Maging ang pamunuan ng Resorts World ay batid kung gaano kabigat at kasakit ang naturang insidente.
Sa kasalukuyan, nanatiling unidentified ang nasawing lone gunman sa naturang insidente na ikinamatay ng 37 katao habang mahigit 50 naman ang sugatan.

DZXL558

Facebook Comments