Manila, Philippines – Hinikayat ng Pamunuan ng PNP Region 4A o CALABARZON Police ang pamilya ng mga napatay na sina Richard Santillan at Gessamyn Casing na makiisa sa imbestigasyon na ginagawa ngayon ng PNP Regional Internal Affairs Service o RIAS ng PRO4A.
Si Santillan ang Security Officer ni Atty. Glen Chong na napatay nang nakipagbarilan umano sa mga Pulis sa Cainta Noong Dec 10, 2018 sa akusasyon na sangkot ito sa Illegal Drugs at Hi-way Robbery.
Ayon kay Region 4A PCSupt Edward Carranza – nagsasagawa na ng Summary Dismissal Proceedings ang RIAS kaya’t maganda kung makasama rito ang Pamilya ng dalawang Biktima.
Aniya, mas binubusisi ang mga testimonya at mga ebidensya at sinomang mapatunayan na nagkasala ay ipaghaharap ng kasong Kriminal at Administratibo.
Paliwanag ni Gen Carranza, isang independent Body ang RIAS na dapat pagkatiwalaan ng pamilya ng dalawang Napatay.
Giit ng Heneral, ang pakikiisa ng pamilya nina Santillan at Casing ay upang mapawi ang hinala na may Cover up sa kaso ang mga opisyal at tauhan ng PNP CALABARZON.
18 Opisyal at tauhan ng Cainta PNP, Rizal PNP sa pangunguna ni PSSUPT Lou Evangelista bilang PD, Regional Intelligence Unit ng PRO 4A at HPG ang sinibak sa puwesto dahil sa nasabing Insidente.