Pamilya ng mga nawawalang sabungero, nakipagpulong sa ilang opisyal ng DOJ

Nagtungo sa Department of Justice (DOJ) ang ilang miyembro ng pamilya ng mga nawawalang sabungero.

Ito’y upang makipagpulong kay Justice Asec. Eliseo Cruz para malaman ang update ng kaso.

Bukod dito, nais din nilang malaman ang susunod na hakbang makaraan lumantad at siniwalat na nagpapakilalang whistleblower ang nasa likod ng pangyayari.

Napag-alaman na may ilan pamilya ng kaanak ng sabungero ang hindi na rin nakikipag-ugnayan matapos mawalan ng pag-asa sa kaso.

Giit pa ng ilan kaanak ng mga nawawalang sabungero, naniniwala sila sa mga inihayag ni Julie Patidongan o alyas Totoy at umaasa silang lalabas ang katotohanan para makamit nila ang hustisya.

Nais rin nilang hilingin na isama sila sa operation o sa occular inspection sa Taal Lake kung saan sinasabing dinala ang mga nawawalang sabungero.

Facebook Comments