Pamilya ng mga pasaherong nasawi sa aksidente sa noong nakaraang Disyembre 2019 sa Cardona Rizal nakatanggap na ng Insurance Claim

Umaabot na sa kabuuang P2.5M Insurance Claim ang tinanggap ng mga apektadong pamilya sa kamakailang malagim na Road accident sa Cardona, Rizal.

Personal na ibinigay mismo nina Rizza Atayde, Executive Vice President ng Passenger Accident Management and Insurance Agency o PAMI ang nasabing halaga kasama sina Joey Reyes, Assistant Vice President for Claims at Manager na si Maribel Bermejo.

Ang nasabing cash aid ay para sa anim na nasawing pasahero at dalawang bystander na nahagip pero namatay din dahil sa tindi ng pagkabangga at isang drayber.


Nagbigay ng paalala ang PAMI sa mga drayber, mag-ingat, laging i-check ang lahat ng dapat i-check bago bumiyahe,upang maiwasan nag anumang aksidente.

Matatandaan na noong Disyembre 17 2019 lamang, dakong alas-5:30 ng umaga, nangyari  ang nasabing trahedya kung saan inararo ng isang truck ang mga naglalakad sa kalsada at bumangga sa likuran ng jeep at itinulak ito sa paparating na isa pang truck.

Nangyari ang aksidente sa kurbadang bahagi o palusong na daanan ng Diversion Road sa Barangay Looc kung saan nawalan umano ng preno ang isang truck na nagmula sa Binangonan.

Kinilala ang ilang nasawing pasahero ng jeep na sina Vince Jayson Barerra, estudyanteng magkapatid na John Lester at Jimbert Lambrinto, Jan Brian Madaya, Elizabeth Rios, at Joshua Salimbot.

Kasama din sa nasawi ang dalawang bystander na sina Maximo Julian at Hilario Cuizon at drayber na si Pablo Ramos.

Facebook Comments