Pamilya ng mga sundalo, nais isama ni Pang. Duterte sa priority list na bibigyan ng bakuna kontra COVID-19

70

Ipinasasali ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamilya ng mga sundalo sa priority list na mabibigyan ng COVID-19 vaccines.

Isa ito sa mga utos ni Pangulong Duterte kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez kung saan libre rin ang ibibigay na bakuna sa mga ito.


Matatandaang sa naging pagbisita ng Pangulo sa mga naulilang pamilya ng 7 sundalo sa Bukidnon noong Sabado dahil sa plane crash, nangako itong mabibigyan sila ng libreng bakuna.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, matagal nang nabanggit ng Pangulo na nais niyang isama sa priority list ng mga mabibigyan ng bakuna ang pamilya ng mga sundalo.

Nasa Inter-Agency Task Force (IATF) na aniya kung paano ipatutupad ang kautusan ng Pangulo.

Kasunod nito, tiniyak ng kalihim na hindi magkukulang ang bakuna kahit pa isama ang pamilya ng mga sundalo sa mauunang mababakunahan dahil darating ang bulto ng mga bakuna pagsapit ng 2nd o 3rd quarter ng 2021.




Facebook Comments