Pamilya ng namatayan sa Brgy. Dolores Taytay Rizal, nananatili sa evacuation center

Rizal – Tanging pamilya nalang ng namatayan ang nananatili sa evacuation area sa brgy. Dolores Taytay Rizal.

Kahapon halos 300 ang natutulog sa classroom ng Hapay na Mangga Elementary School.

Karamihan sa mga evacuees ay mga bata na doon din nag-aaral sa nasabi paaralan.


Nang balikan ng DZXL 558 RMN Manila, wala na ang mga evacuees.

Nagsibalikan na sila sa kanilang tirahan kahit na delikado pa rin ang sitwasyon.

Tanging pamilya nalang ni Jun Fundal ang naiwan sa evacuation area.

Doon kasi nakaburol ang mga biktima ng pagguho ng lupa na sina Justin Fundal, 14 at Jude Fundal 17 .

Ayon kay Jun, sa linggo na ang libing at matapos nito hinding hindi na sila babalik sa dati nilang bahay.

Nakapangako na raw ang Taytay government sa bago nilang lilipatan.

Facebook Comments