Pamilya ng napatay sa hazing na UST student, may panawagan sa elders ng Aegis Juris Fraternity

Manila, Philippines – Umapela ang pamilya ni hazing victim Horacio Topacio Castillo III sa mga elder ng Aegis Juris Fraternity na tumulong para matunton ang mga responsable sa pagpatay sa first year law student ng University of Sto. Tomas.

Ayon sa pamilya Castillo , hindi dapat payagan ng Aegis Juris na mabahiran ang kanilang reputasyon.

Nanawagan din ang pamilya Castillo sa mga nakababatang myembro ng Aegis Juris at maging sa media na tumulong sa impormasyon ng kinaroroonan ng mga suspek.


Iginiit ng Pamilya Castillo na malinaw na mga kriminal ang pumatay sa UST student

Batay sa website ng UST Faculty of Civil Law, kasama sa mga elder member ng Aegis Juris sina UST Law Dean Nilo Divina, Dating Isabela Representative Edwin Uy at Court of Appeals Associate Justice Gabriel Robeniol.

Facebook Comments