PAMILYA NG NASAWING BATA DAHIL UMANO SA DENGUE, HILING ANG KASAGUTAN AT HUSTISYA

Sumisigaw ng kasagutan at hustisya ang naiwanang pamilya ng isang limang taong gulang na batang babae mula sa Pozorrubio, Pangasinan.

Idinetalye ni Marjurie Sarad ang nangyari sa kanyang anak matapos itong makaranas ng lagnat, kung saan minabuti nitong ipacheck-up umano sa ospital upang masuri.

Ayon sa ina, nagpositibo umano Urinary Tract Infection ang kanyang anak at dito ito niresetahan ng antibiotic at paracetamol.

Bagamat upang maiwasan umano ang posibleng dehydration ay ipinaadmit na nito ang bata.

Ayon kay Carlo, ang tatay ng biktima, tinakbo pa ang bata sa isa pang hospital ngunit tila huli na raw umano ang lahat.

Sa kasamaang palad, nasawi ang limang taong gulang na bata sa pang-apat umano nitong seizure.

Umaasa ngayon ang pamilya ng biktima ng kasagutan mula sa ospital, at anuman umanong pahayag mula sa kanilang pamunuan.

Samantala, nauna nang tiniyak ng Provincial Hospital Management Services Office ang masusing imbestigasyon ukol sa naturang insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments